Wednesday, January 6, 2010

Puso't Balota



Ang ingay sa labas
Nasasaktan ako
Hindi ko naman naririnig ang boses mo.

Ang ingay sa labas
Ginugulo ako,
Hindi ko naman nakikita ang layon mo.

Ang ingay sa labas,
Nakabibingi,
Pipe na ba’ang lahat? Pero iba-iba’ang sinasabi.

Ang ingay sa labas,
Maraming pang basura,
Pati nga ba naman ikaw, dinungisan nila.

Ang ingay sa labas,
At ika’y sumisigaw,
Ngunit ang dinig lamang ay mga pigil na hiyaw.

Bakit sila maingay?
Diwa mo ba’y di na taglay?
Bakit sila maingay?
O sadyang ‘di lang ako sanay? . . .

. . .kung dapat bang masanay.

No comments:

Post a Comment

ShareThis!