Saturday, October 2, 2010
Ancient Scrolls online
I have come across ancient scrolls,
Carrying secrets down deep
Into the p_i_t_s of memory I
found them,
Thought _________ to be found,
-- now here.
As I skimmed through the writings,
Paper untorn,
but th
e wor
ds wer
e.
It SCREAMS of unrequited heart,
It
d
r
.
,
i
.
.
p
.
s
.
.
.
unshed tears.
I wished I could have seen,
How the scroll was written.
But it is a painful scene,
This scroll shall be hidden,
forgotten.
I make things NEW.
for YOU.
Friday, October 1, 2010
I started writing again. Again.
Out of the darkness, here I come, spreading once more, light.
Having hidden for too long, I have come to be in sight.
This light you have shone, this hand you gave to hold,
Finally, I am home.
We are home.
Having hidden for too long, I have come to be in sight.
This light you have shone, this hand you gave to hold,
Finally, I am home.
We are home.
Pusang Kalye
Pusang Kalye
Dal’wang pusa sa lansangan,
Naroon sapagkat walang tahanan:
Ni walang mapagtaguan kapag umuulan,
Ni walang pansangga pag nasagasaan.
Dal’wang pusa sa lansangan,
Doon na rin ang pook ng lambingan,
Sapagkat wala namang mapuntahan:
Kahit maging tampok sa usap-usapan.
Dal’wang pusa sa lansangan,
Mayroon ba kayang masisilungan?
Palaging rito na lamang ang tagpuan,
Dal’wang pusang walang tahanan.
Sagutan (ekphrasis sa pelikulang Donor ni Mark Meily)
Sagutan
Pag-ibig ko sayo’y parang puso,
Sa bawat tibok, hatid nito’y pulso,
Sa bawat pulso, nabubuhay ako.
Pag-ibig ko sayo’y parang poso,
Kung may pantulak, ito’y aagos,
Kung walang tutulak, ito’y unos.
Pag-ibig ko sayo’y totoo,
Kaya’t wagas ang aking sakripisyo,
Maipadama lamang ito sa’yo.
Pag-ibig ko sayo’y tabo,
Sasalok kung kailan ko gusto,
Hahagod kahit pag ayaw mo.
Pag-ibig ko sayo’y parang dugo,
Dumadaloy sa aking katawan,
Bagamat minsan, nasasaktan.
Pag-ibig ko sayo’y parang daga,
Nakikikain at nakikitira,
Wala ka namang magagawa.
Pag-ibig ko sayo’y parang bala,
Lalo na ‘pag ito na’y naikasa,
Dahil sa pagputok, wala na.
Sa Kasalan (tulang pambata)
Sa Kasalan
Bakit kaya kailangan pa,
Magbihis nang ganito ka-gara,
Sa kainan lang naman pupunta,
Sobra-sobra kung pumustura.
Kwelyo ko sa leeg ay makati,
Pati likod ko’y nangingiri,
Puno ng pawis aking mga paa,
Dahil magsapatos ay kailangan pa.
Ako’y nakaupo sa initan,
Habang nakasilip sa kasalan
Si Inay nama’y humihikbi,
Si Itay nama’y nakangiwi.
Ano’ng oras kaya kami uuwi?
Subscribe to:
Posts (Atom)